Posted March 11, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sinimulan na rin kasing kumpunihin at pinturahan
ang mga sirang kisame at pintuan nito.
Ayon kay Boracay PNP OIC PSInsp. Frensy Andrade, proyekto
ni PRO 6 Director PCSupt. Josephus Angan na tinatawag ding ‘Oplan Hilamos’.
Ayon pa kay Andrade, bahagi parin ito ng paghahanda
para sa nalalapit na APEC Ministerial meeting kung saan hindi lamang ang
Boracay PNP kundi maging ang iba pang municipal police station ang isinailalim
dito.
Sinabi pa ni Andrade na galing sa PNP National
Headquarters ang budget para sa ‘Oplan Hilamos’.
Maliban sa Boracay PNP na tinatayang matatapos bago
ang buwan ng Mayo, nabatid na kukumpunihin din ang Cagban PNP Station.
No comments:
Post a Comment