Posted March 23, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y upang mabawasan at tuluyan nang masugpo ang
krimenalidad sa isla ng Boracay.
Ayon kay BTAC Deputy Chief Police S/Insp.Fidel
Gentallan, kasama na rin umano sa mga tinututukan nila dito ang pagkalat ng mga
menor de edad na maaring masangkot sa maliliit na krimen.
Katunayan, sa ngayon anya ay mayroon na ring
inihahandang mga hakbang si BTAC OIC Police S/Insp. Frensy Andrade para
mahigpit na matutukan ang seguridad lalo na sa front beach ng Boracay.
Samantala, nabatid naman na nagpatupad ng polisiya
ang Aklan Police Provincial Office (APPO) na hanggat maaari, rumesponde ang
pulisya sa nagaganap na krimen ng nasa two-minute to five minute time limit.
No comments:
Post a Comment