Posted March 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy parin umano ang ginagawang road
beautification project ng Provincial Government ng Aklan bilang paghahanda sa APEC Ministerial meeting sa Boracay ngayong Mayo.
Ayon kay Mars Bernabe ng Governors Office, nagpatawag
umano sila ng meeting na kinabibilangan ng mga punong Brgy. na kasama sa road
beatification project.
Nagbigay din umano sila ng sampung libong piso sa
bawat Brgy. Captain para sa pagpapaganda ng kanilang kalsada mula sa Kalibo
International Airport hanggang sa Brgy. Caticlan sa bayan ng Malay.
Samantala, nais umano ng probinsya na maging
maganda at malinis ang madadaan ng mga delegado ng APEC Summit Ministerial
meeting sa Boracay ngayong Mayo.
No comments:
Post a Comment