Posted March 23, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Image by PIA- Aklan |
Walang pasok sa mga pampublikong paaralan sa Aklan.
Wala ring opisina ang ilang tanggapan at bangko.
Local Holiday kasi ngayong araw dahil sa
pagdiriwang ng 19 Martyrs sa bayan ng Kalibo.
Kaugnay nito, isang programa ang ginanap bilang
paggunita sa kanilang kabayanihan.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang
parada mula sa Pastrana Park patungong Aklan Freedom Shrine.
Dinaluhan naman ito ng mga provincial at municipal
officials, mga taga DepEd Aklan, at mga inapo ng mismong 19 marter.
Samantala, sa kanyang naging mensahe, tiniyak ni
Kalibo Mayor William Lachica na patuloy na gugunitain ng mga Aklanon ang kabayanihan
ng mga nasabing marter.
Kasabay nito, sinabi pa ni Lachica na may mga
‘unsung heroes’ din sa ngayong panahon katulad ng mga guro, sundalo, OFW’s at
maging ang mga magulang na nagsasakripisyo para sa bayan at sa kanilang mahal
sa buhay.
Samantala, hinimok din ng alkalde ang mga Aklanon
na gumawa ng legasiya o pamana katulad ng kabayanihan ng 19 na marteres na
nakipaglaban para sa kalayaan mula sa pananakop ng mga Kastila.
Ginugunita ang anibersaryo ng kanilang kagitingan
tuwing ika-23 ng Marso sa bisa ng Republic Act No. 7806.
No comments:
Post a Comment