Posted March 12, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Bahagi ito ng nagpapatuloy na Security Guards
Visibility Project ng PNP SOSIA o Philippine National Police Supervisory Office
for Security and Investigation Agency.
Pero bago paman ang inspeksyon, nagpalabas ng
Memorandum ang SAGU para sa mga Private Security Agencies (PSA), Company Guard
Force (CGF), at maging sa Government Guard Units (CGU) tungkol sa pagsusuot ng
opisyal o prescribed uniform ng kanilang mga guardiya.
Base sa memorandum na naging epektibo nitong March
3, 2015, mahaharap sa penalidad ang mga PSA, CGF, at mismong mga guwardiya na
lalabag sa direktiba ng SAGU.
Nabatid na pagmumultahin ng 10, 000 pesos para sa 1st
offense, 20, 000 pesos para sa 2nd offense, at 30, 000 pesos o
kanselasyon ng lisensya para sa 3rd offense ang mahuhuling lumabag.
Ayon naman kay SAGU Chief-PSupt. Condrado Carganillo,
nagpaabiso na rin ito sa mga security agencies dito, isang linggo bago ang
inspeksyon.
No comments:
Post a Comment