Posted March 12, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sugatan sa tiyan ang isang lalaki matapos na
barilin kagabi sa isang gasolinahan sa Manoc-Manoc Boracay.
Ayon sa inisyal na report ng mga pulis, nagkaroon
ng komosyon ang grupo ng biktimang si “Jorence Daniel” sa grupo naman ng suspek
na si “Gmar Candidado.”
Subalit, wala umanong ideya ang mga ito na may dala
palang baril si “Gmar” at nabaril ang biktima sa kanyang tiyan.
Kaugnay nito, lumalabas pa sa imbestigasyon ng
Boracay PNP Station na sugatan din sa ulo ang kasama ni “Daniel” na si “Leo
Simeon” dulot ng pagkakahampas ng hindi pa matukoy na bagay.
Samantala, inaalam pa ngayon ng mga pulis kung
anong baril ang ginamit ng suspek na kaagad din umanong tumakas matapos ang
insidente.
Sinasabing nag-ugat ang nasabing
kaguluhan dahil sa kalasingan ng magkabilang grupo.
No comments:
Post a Comment