Pages

Friday, March 13, 2015

Pagtaas ng kaso ng aksidente sa kalsada dahil sa mga aso, pinag-usapan sa SP Aklan

Posted March 12, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for SP Aklan yes fm boracayNaka-iskedyul ngayon sa isang committee hearing ng Ad Hoc Committee sa SP Aklan ang pagtaas ng kaso ng aksidente sa kalsada, kung saan sangkot ang mga aso.

Sa ginanap na 16th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan, napag-usapan ang patuloy na pagtaas ng ganitong kaso.

Ayon sa SP Aklan, mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga asong palaboy-laboy lamang sa kalye o highway na syang isa sa mga naging dahilan ng pagkakaaksidente ng mga motorista.

Magugunita na matagal na ring problema ang mga aso sa kalsada dahil bukod sa naging sanhi ito ng aksidente, nagdudumi din ito at minsa’y nangangagat sa mga taong dumadaan.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ng Compassion and Responsibility for Animals (CARA) ang lahat na e-report ang gumagalang aso sa otoridad.

No comments:

Post a Comment