Posted March 30, 2015
Ni Jay-ar M.Arante, YES FM Boracay
Nasa plano na ng Provincial Government at ng Jetty Port
Administration ang malaking pagbabago sa Caticlan Jetty Port.
Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, mayroon
na silang plano para sa 2.6 hectares na reclamation project sa nasabing
pantalan na gawing docking area ng mga bangka mula sa Cagban Jetty Port, kung
saan dito umano ililipat ang mga Ferry Boat at Fast Craft.
Base pa sa plano, magiging organisado na ang lahat ng mga
dadaong na sasakyang pandagat katulad ng Roro-Vessel na-nag do-dock sa existing
port.
Samantala magtatayo rin sa reclamation area ng tatlong
palapag na gusali kung saan makikita ang shopping mall, hotel, centralize
ticketing ng pumpboat, holding area para sa mga resort at sa ground floor naman
ang parking area.
Kaugnay nito hahabaan din umano ang existing na rampa sa
Caticlan Jetty Port para sa mga cruise ship na bibisita sa isla ng Boracay.
Ayon pa kay Maquirang may sapat umanong pondo rito ang Aklan
Provincial Government, ngunit tiniyak din nito na aabutin ng bilyong piso ang
halagang magagastos sa nasabing proyekto.
Nabatid na ang proyektong ito sa Caticlan Jetty Port na
siyang main entrance ng mga taong pumapasok sa isla ng Boracay ay inaasahang
matatapos ng limang taon.
No comments:
Post a Comment