Posted March 21, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nanguna ang probinsya ng Aklan sa may pinakamalaking kita
sa buong Western Visayas na 87.7 bilyong piso para sa taong 2014 dahil sa
turismo.
Ayon kay DOT Regional Director Helen Catalbas, nakapagtala
umano ang Aklan ng 43.78 bilyong piso kung saan ang malaki umanong kita ng
lalawigan ay nagmula sa halos 1.6 milyong turista na nagbakasyon sa isla ng
Boracay sa bayan ng Malay.
Pumapangalawa naman umano dito ang siyudad ng Bacolod na
may 12. 8 bilyong pisong kita, pumapangatlo ang Iloilo City na may 12. 26
bilyong piso base na rin naitalang kita ng Western Visayas sa turismo sa taong
2014.
Sa kabilang banda ang nalalabing 18.88 bilyong piso ay
nagmula sa pinagsama-samang kita ng probinsya ng Antique, Capiz, Guimaras,
Iloilo at Negros Occidental.
No comments:
Post a Comment