Posted March 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay
patuloy na namumuhunan sa airport infrastructure sa Kalibo International
Airport (KIA).
Ito’y para mapagkalooban ng maayos na serbisyo at magandang
pasilidad ang nasabing paliparan para sa mga pasahero.
Ayon naman kay CAAP Kalibo airport manager Martin Terre,
ang patuloy umanong construction ng terminal building na inaasahang matatapos
ito ngayong katapusan ng buwan ng Marso ay para makapag- accommodate ng
domestic passengers.
Sinabi pa nito na gagamitin muna ng international flights
ang umiiral na katabing terminal building ng KIA habang hindi pa maayos at
kompleto ang terminal building para sa domestic flights.
Sa ngayon umano ay nagsisimula na ang pag-overlay ng
aspalto sa nasabing paliparan para sa construction period na dalawang buwan.
Samantala ang Kalibo International Airport ay humahawak
ng mga International flights mula sa Malaysia, Singapore, Taiwan at South Korea
at domestic flights na Manila at Cebu.
No comments:
Post a Comment