Pages

Wednesday, March 11, 2015

Road easement sa Boracay, patuloy na tinatrabaho ng BRTF

Posted March 11, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for road easement boracayPatuloy na tinatrabaho ngayon ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force ang Road easement sa isla.

Sa ilang lugar sa mainroad, kapansin-pansin ang pag-inspeksyon at pagsugat sa distansya ng establisemyento o istraktura mula sa gitna ng kalsada at ang pagpapadala ng mga notices.

Kaugnay nito, magugunitang kampante ang ilang opisyal ng Malay at Boracay sa ipinakitang pag-comply o pagsunod ng karamihan sa mga maapektuhan ng nasabing road set back.

Isa lamang si Rufina ‘Pines’ Villaroman sa mga negosyanteng nagpahayag ng kusang pagsunod dito.

Magkaganon paman, hindi nito naitago ang saloobin kaugnay sa set back.

Samantala, nabatid na maliban sa kusang pagdemolish ng kanilang istraktura o gusaling tatamaan ng easement.

Nabatid na nagkaroon ng ‘swapping’ sa gigibaing istraktura ang ilang property owner sa mainroad kung saan, sa ibang bahagi na lamang ng kanilang gusali ang gigibain sa halip ng may direktang tatamaan ng pagdemolish.

No comments:

Post a Comment