Posted March 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kulong ngayon ang isang lalaking may warrant of arrest sa
Boracay Police Station matapos na maaresto ng mga pulis kaninang tanghali.
Kinilala ang akusadong si Wildon Gala y Ignacio na
inaresto dahil sa kasong 2 counts of rape under article 266-A of RA 8353.
Pinangunahan mismo ni Police Senior Inspector Frensy
Andrade OIC ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang paghuli sa nasabing
akusado.
Nabatid na walang piyansa si Gala na inisyo ni Judge
Bienvenido Barrios Jr. ng RTC 6th Judicial Region, Branch 3. Kalibo,
Aklan na may petsang Marso 3, 2015.
Sa ngayon pansamantala muna itong nasa kustudiya ng
Boracay PNP Station at nakatakdang dalhin sa bayan ng Kalibo para sa
karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment