Pages

Wednesday, January 07, 2015

Submarine cable na nasagi ng sumadsad na barge sa Manoc-manoc cargo site, maaaring matagalan pa maayos

Posted January 7, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Makakatawag ngayon, mamaya hindi.

Makakatawag ngayon, mamaya hindi.

Ganito ang paulit-ulit na serbisyo ng PANTELCO o Panay Telephone Corporation matapos masagi ng sumadsad na barge ng DBP Leasing Corporation ang submarine cable ng Kalibo Cable at AKELCO o Aklan Electric Cooperative.

Ayon sa Repair and Maintenance Service ng PANTELCO, hindi parin estable ang kanilang linya hanggang ngayon, kung kaya’t pauli’t-ulit na pumapalya  ang kumunikasyon ng mga Boracay PANTELCO Subscribers sa mainland.

Maliban dito, matindi rin umano ang sira sa nasabing submarine cable kung kaya’t maaaring matatagalan pa bago ito maayos.

Magugunitang tinamaan ng sumadsad na barge ang submarine cable na pagmamay-ari ng Kalibo Cable at AKELCO nitong nakaraang buwan dahilan upang maapektuhan ang serbisyo ng mga naturang utility providers sa isla.

Samantala, naging perwisyo naman hindi lamang ng mga nasabing subscribers kungdi maging ng mga taga cargo cooperative ang pagsadsad ng naturang barge.

No comments:

Post a Comment