Pages

Wednesday, January 07, 2015

DILG, OCD nagsasagawa na ng Integrated Planning Training on Incident Command System sa Boracay

Posted January 7, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagsimula na kahapon sa Boracay ang Integrated Planning Training on Incident Command System ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Office of Civil Defense (OCD).

Ayon kay OCD-DND Region VI, Chief Operations Officer Joseph Paul Nogra, ito’y upang palakasin ang paghahanda sa anumang kawalang-tiyak na mangyayari sa Aklan lalung-lalo na sa isla ng Boracay.

Nilalayon  umano ng nasabing aktibidad na tulungan ang LGU sa pagbabalangkas ng mga plano sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 na gaganapin sa isla at anumang panganib o sakuna sa kani-kanilang lokalidad.

Samantala, sinabi pa ni Nogra na masasabing nasa 90 porsiyento na ang paghahanda ng pamahalaang probinsyal ng Aklan para sa gaganaping forum.

Kaya naman isinasagawa na umano nila ngayon ang Integrated Planning Training on Incident Command System upang mas lalong masiguro ang kaligtasan ng mga dadalong deligado.

Samantala, nabatid na maipapakita rin umano dito ng mga nakikibahagi sa aktibidad ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay sa Geographic Information System (GIS) for Climate Change and Disaster Risk Vulnerability Reduction.

Ang APEC Summit sa Boracay ay gaganapin sa Mayo ngayong taon.

No comments:

Post a Comment