Pages

Wednesday, January 07, 2015

Reklamo ng AKELCO at Kalibo Cable laban sa may-ari ng barge na sumadsad sa Manoc-manoc cargo site, patuloy na inihahanda

Posted January 7, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy na inihahanda ang kaso ng AKELCO at Kalibo Cable laban sa may-ari ng barge na sumadsad sa Manoc-manoc cargo site.

Ayon sa PCG o Philippine Coastguard Boracay Substation, ipinatawag na rin ang may-ari ng nasabing barge upang harapin ang mga responsilidad nito sa insidente.

Magugunitang sumadsad nitong nakaraang buwan ang barge dahil nahirapan umanong magmaneobra ang kapitan dahil sa malakas na hangin at alon noong gabing iyon.

Bagama’t umalma ang mga taga cargo site sa pagbara doon ng nasabing barge, magugunita namang sinabi ng PCG na may mga dukomento ito bago lumayag sa Boracay.

No comments:

Post a Comment