Pages

Wednesday, January 07, 2015

Mga Liaison Officers sinasanay na para sa APEC Summit 2015 sa Boracay

Posted January 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bilang paghahanda sa darating na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa Boracay ngayong Mayo, patuloy namang sinasanay dito ang mga Liaison Officers.

Ito’y upang mapabuti ang kanilang komunikasyon sa mahigit dalawang libong delegado mula sa dalawamput isang bansa na dadalo sa nasabing Summit sa Boracay.

Ang mga Liaison Officers ay kinabibilangan ng mga guro, municipal employees at ilang volunteers na dumaan pa masusing interview bago pumasa bilang liaison officers.

Ayon naman kay 2015 APEC Malay Task Group Focal Person at SB Member Rowen Aguirre, ito ay ilan lamang sa kanilang paghahanda para sa darating na APEC na kung saan kasama na umano rito ang kanilang ilalatag na seguridad.

Samantala, katuwang ng LGU Malay sa pagsasanay sa mga nasabing liaisons officers ay ang Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) na isa rin sa punong abala sa APEC 2015 sa isla.

No comments:

Post a Comment