Pages

Tuesday, January 20, 2015

Rambol at ilang away-kalye sa Kalibo, naitala sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival

Posted January 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Borcay

Bigo ang mga otoridad na makapagtala ng zero incident sa selebrasyon ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival.

Nakapagtala parin kasi ng ilang kaso ng kaguluhan ang Kalibo Police Station kasabay ng selebrasyon ng Ati-Aihan nitong araw ng Sabado at Linggo.

Katunayan ilang grupo ng kalalakihan ang nagrambulan sa isang parke sa Kalibo kung saan may mga itinayong pansamantalang bar sa lugar.

Kasabay nito mayroon ding mga naitalang away sa kalye ng mga kalalakihang lasing na nagdulot naman ng takot sa ilang mga deboto at nakikisaya sa pagdiriwang.

Bagamat mahigpit ang ipinatupad na seguridad ng Aklan Police Provincial Office sa mga pangunahing lugar sa Kalibo hindi parin naiwasan na magkaroon ng ilang insidente dito dahil sa siksikan ng tao at dala na rin ng kalasingan.

Nabatid na halos hindi mahulugang karayom ang Pastrana Park dahil sa sobrang dami ng mga tao na nakisaya sa Ati-Atihan festival.

Samantala, inaalam pa ngayon ng APPO kung mayroon pang ibang insidente na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Kalibo Santo Niño Ati-Atihan Festival 2015.

No comments:

Post a Comment