Pages

Tuesday, January 20, 2015

Pagnanakaw ng isang sekyu sa Korean Tourist sa Boracay, huli sa CCTV

Posted January 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Huli sa CCTV ang pagnanakaw ng isang sekyu sa Korean Tourist sa Boracay.

Kaugnay nito, kaagad nagpa-blotter sa BTAC ang isang babaeng Korean national matapos na malaman na isang sekyu pala ang kumuha ng kanyang pera at gamit na nawala nitong ika-17 ng Enero, araw ng Sabado.

Ayon sa blotter report ng BTAC, ipina-record na kagabi ng babaeng Korean national na si Hyeon Hye Lee ang sekyu ng resort nitong tinutuluyan na kinilalang si “Raymond.”

Sumbong ng biktima, ipinatong niya ang kanyang pouch sa mesa na naglalaman ng pera at mga I.D’s.

Subalit sa kanyang pagbalik ay bigla na lamang di umano itong nawala.

Nang imbestigahan ng nasabing resort ay saka nalaman na ang sekyu pala ang kumuha ng gamit nito.

Samantala, matapos malamang ang sekyu pala mismo ang tumangay sa pera ng biktima ay hindi na ito mahagilap.

Patuloy naman ngayon na nagkakaroon ng follow-up investigation ang mga pulis sa kaso.

No comments:

Post a Comment