Pages

Tuesday, January 20, 2015

Ibajay, Aklan todo na ang paghahanda sa kanilang Ati-Atihan Festival

Posted January 20, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

 THE SANTO NINO by Den Solidum Sabilano Todo na ngayon ang paghahanda ng Lokal na pamahalaan ng Ibajay Aklan para sa kanilang Ati-Atihan Festival sa darating na ika-25 ng Enero.

Ayon kay Aireen Alag ng Ibajay Mayor’s Office, ngayon pa lamang aynagkakaroon na sila ng Municipal Day na lalahokan ng lahat ng Baranggay sa Ibajay.

Aniya, sa pagsapit ng Linggo ay isang misa ang gaganapin sa Ibajay Church na inaasahang dadagsain ng mga deboto ni Sr. Sto Niño.

Matapos nito ay magkakaroon ng parada ang mga tribong kalahok mula sa ibat-ibang baranggay ng nasabing bayan bago ang mass presentation sa Plaza.

Matatandaang nito lamang nakaraang linggo ay nagtapos ang mahabang selebrasyon ng Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa bayan Kalibo na dinaluhan ng libo-libong katao at naidaos ng matagumpay.

Samantala, apat na bayan sa Aklan ang nagdiriwang ng Ati-Atihan Festival sa probinsya ng Aklan na kinabibilangan ng Kalibo, Ibajay, Makato at Altavas.

No comments:

Post a Comment