Pages

Wednesday, January 07, 2015

MTour, pinulong ang mga tourism front liners hinggil sa pagbibigay ng mga awards

Posted January 7, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nagpulong kaninang umaga sa Balabag Action Center ang Municipal Tourism Office (MTour) ng Malay hinggil sa pagbibigay ng karangalan sa mga tourism front liners.

Sa isinagawang pagpupulong na pinangunahan ni Chief Tourism Operations Officer Felix Delos Santos, nabatid na nasa 16 na mga kalahok ang pagpipilian upang bigyan ng pagkilala.

Anya, pito dito ay mula sa mga kooperatiba ng Malay at Boracay habang siyam naman ang galing sa iba’t-ibang mga asosasyon.

Nasa walo naman ang katergorya ng pagbibigay ng nasabing karangalan, kung saan kabilang umano dito ang pagkilala sa kung sino ang naging pinaka-aktibong grupo, at yaong palaging nakasuporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan.

Gaganapin naman ang nasabing pagkilala sa ika-9 ng Enero sa gitna ng selebrasyon ng Boracay Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival 2015.

Maliban sa matatanggap na plaque ay tatanggap din umano ang mga mapipili ng cash mula sa LGU Malay.

No comments:

Post a Comment