Pages

Wednesday, January 07, 2015

Isinasagawang training ng OCD sa Boracay, malaking tulong - SB Aguirre

Posted January 7, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Sinimulan kahapon sa isla ng Boracay ang Integrated Planning Training on Incident Command System.

Pinangunahan ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Office of Civil Defense (OCD).

Kaugnay nito, sinabi ni APEC 2015 Malay Task Group Focal Person at Malay SB Member Rowen Aguirre na malaking tulong ang isinasagawang training ng Office Of the Civil Defense para sa Boracay APEC Summit 2015.

Ayon kay Aguiree, magandang paraan umano ito upang mabigyan ng mga karagdagang kaalaman ang mga first responders sa bayan ng Malay at Boracay lalo na’t papalapit ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa isla nitong darating na Mayo.

Samantala, ayon pa kay Aguirre sa pamamagitan din umano nito ay mas lalo pang mapapaigting ng LGU Malay at probinsya ng Aklan ang preparasyon para sa APEC.

Magugunitang nagsagawa rin ng apat na araw na Contingency Planning Workshop ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDDRMC) Malay sa Boracay nitong nakaraang buwan ng Oktubre, upang palakasin ang sistema ng mas maagang paghahanda sa bayan ng Malay lalung-lalo na sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment