Pages

Wednesday, January 28, 2015

Aksidente sa side walk ng Boracay, aaksyunan ng LGU Malay

Posted January 28, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Bad news na maituturing ang mga turistang nadadapa sa side walk ng Boracay.

Subali’t good news naman kapag naisakatuparan ang aksyong gagawin ng LGU Malay.

Plano kasi ngayong isama ng LGU Malay sa kanilang program of works para sa nalalapit na APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation ang pagpapapintura sa gutter ng side walk bilang tugon sa mga aksidenteng dulot ng kawalan naman ng ilaw sa kinakalawang nang street light.

Ito ang sinabi ni Malay Engr’s Office OIC-Engr.Arnold Solano nang ilapit ng himpilang ito ang tungkol sa mga turistang nadadapa sa madilim na side walk.

Pero bago ito, muling naungkat ang problema sa drainage project ng dating PTA o Philippine Tourism Authority na TIEZA ngayon o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Hindi parin umano kasi ito nai-tu-turn over sa kanila ng TIEZA dahil marami pang sira at problema.

Samantala, sinabi pa ni Solano na maaaring sa susunod na buwan ng Pebrero na rin mapapapinturahan ang gutter ng side walk kapag naaprobahan sa budget ng TIEZA.

Nabatid na marami na rin ang naaksidenteng motorsiklo sa gabi ang isinisisi din sa madilim na side walk ng Boracay.

No comments:

Post a Comment