Pages

Wednesday, January 28, 2015

BLTMPC planong maglagay ng service multicav sa mga paaralan sa Boracay

Posted January 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Plano ngayon ng Boracay Land Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) na maglagay ng service multicav sa mga mga paaralan sa isla.

Ito ang sinabi ni BLTMPC Chairman Joel Gelito sa pagdalo nito sa ika 4th Regular Session ng SB Malay kahapon.

Aniya, ito umano ang paraan para makatulong sila sa mga mag-aaral sa Boracay na nahihirapang sumakay sa mga bumibiyaheng tricycle unit sa isla pauwi sa kanilang mga tahanan.

Nabatid na halos abutin ng isang oras ang mga mag-aaral sa kakapara ng masasakyan pauwi dahil sa walang halos nagpapasakay sa kanila.

Dahil dito nais naman ng BLTMPC na magdagdag ng kanilang unit sa isla upang ng sa ganon ay maisakatuparan nila ang kanilang pinaplano.

Kaugnay nito tila pabor naman ang Sangguniang Bayan Officials sa ninanais ni Gelito na dagdagan ang unit ng mga nasabing sasakyan.

No comments:

Post a Comment