Pages

Thursday, January 29, 2015

Dagdag na pampasaherong sasakyan sa Boracay hiniling ng BLTMPC sa SB Malay

Posted January 29, 2015
Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Boracay

Humiling sa Sangguniang Bayan ng Malay ang Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) ng karagdagang unit para sa isla.

Sa ginanap na 4th regular SB Session ng Malay nitong Martes, mismong si BLTMPC Chairman Joel Gelito ang lumapit sa mga konsehales para ipaabot ang kanyang kahilingan.

Nais umano nito na matugunan ang kakulangan ng kanilang unit na bumibiyahe ngayon sa Boracay katulad ng multicav.

Aniya, nakikita umano nito na tila kinukulang ang nasabing sasakyan sa tuwing mayroong dumadating na cruiseship kasama na ang paghahanda sa nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Boracay.

Samantala, sinabi pa nito na mayroon na umano ngayong 18 unit ng multicav ang naka-standby sa kanilang pangangalaga na may permit mula sa Land Transportation Office (LTFRB).

Nabatid na nais nito na magdagdag ng 60 unit ng nasabing sasakayan sa Boracay ngunit 18 lang ang inaprobahan ng nasabing tanggapan.

Bilang tugon naman ng Konseho ng Malay pinaboran nila ito ngunit kailangan pa itong dumaan sa maayos na pag-aaral sa pangunguna ni SB Leal Gelito bilang Chairman ng Committee on Transportation bago tuluyang makapag-operate sa Boracay.

No comments:

Post a Comment