Pages

Wednesday, December 24, 2014

Presyo ng mga Noche Buena products sa Aklan walang pagtaas-DTI

Posted December 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Wala umanong pagtaas sa presyo ng mga bilihing pang Noche Buena sa Aklan kahit sumailalim ang probinsya sa state of calamity dahil kay bagyong Ruby.

Ito ang sinabi ni DTI Provincial Director Diosdado Cadena Jr., kung saan base sa kanilang ginawang monitoring ay halos nasunod naman ng mga retailers ang kanilang inilabas na Suggested Retail Price (SRP).

Aniya, wala silang nakitang mga paglabag sa presyo ng mga bilihin matapos magdiklara ng state of calamity si Governor Florencio Miraflores sa lalawigan ng Aklan para magamit ng mga LGU’s ang kanilang calamity fund sa nagdaang bagyo kahit wala itong gaanong epekto sa lugar.

Samantala, sakto lang umano ngayon ang mga pangunahing bilihing pang Noche Buena katulad ng mga dilata at hamon.

Siniguro pa ni Cadena na maging normal ang presyo ng mga bilihin kung saan may look-out umano sila para sa automatic price control kaugnay sa basic price na sa ilalim ng Department of Trade and Industry.

Nabatid na kung sumailalim ang lalawigan sa state of calamity ay may posibilad na magtaas ng presyo ng mga bilihin ang mga retailers ngunit walang naging problema ang DTI kahit na mayroong automatic price control.

No comments:

Post a Comment