Pages

Tuesday, December 23, 2014

Mga empleyado ng BRTF, bakasyon grande na para sa Pasko

Posted December 23, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Maaaring sa susunod na taon na lamang babalik ang sinumang may nakabinbing transaksyon sa Boracay Redevelopment Task Force (BRTF).

Bakasyon-grande na kasi ang mga empleyado ng BRTF simula ngayong hapon, matapos ang mga abalang araw ng trabaho sa isla ng Boracay.

Ngayong araw, base sa nakasaad sa kanilang panuntunan, kalahating araw lang na may pasok ang mga ito at babalik muli sa ika-29 ng Disyembre.

Subalit, hindi pa dito natatapos ang kanilang bakasyon, dahil muling magpapahinga ang mga ito at sa ika-5 na ng Enero sa susunod na taon magiging regular ulit ang operasyon.

Nabatid na karaniwang binibigyan ng bakasyon ang mga empleyado ng gobyerno mula Pasko hanggang Bagong Taon upang makasama nang mas matagal ang kani-kanilang pamilya.

Samantala, magugunitang binuo ang BRTF sa bisa ng Executive Order No.05 Series of 2013 na kinabibilangan ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan at LGU Malay para sa pagpapatupad ng mga karampatang batas sa isla.

No comments:

Post a Comment