Pages

Wednesday, December 24, 2014

Dahil sa hirap makaligo sa Boracay dayuhang turista ininsulto ang Pilipinas?

Posted December 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mistulang nainis ang mga pulis ng Boracay PNP dahil sa pang-iinsulto ng isang European Tourist sa bansang Pilipinas.

Ito ay nag-ugat dahil sa reklamo nito na nahihirapan umano siyang maligo sa dagat ng station 3 dahil sa umano’y mga bangkang nakadaong sa lugar.

Nabatid na makailang beses ng lumapit sa BTAC ang nasabing turista kung saan paulit-ulit ding sinasabi sa kanya na mayroong ordinansa ang LGU Malay tungkol sa mga nasabing bangka

Dahil dito naging mainit sa pakikipagsagutan sa mga pulis ang dayuhan kung saan nauwi pa ito sa pang-iinsulto kaugnay sa mga batas sa Pilipinas.

Pinayuhan naman siya ng mga pulis na masyadong malapad ang dagat ng Boracay na puwedi siyang maligo nang walang sagabal.

Ngunit idinidiin padin nito na ito ay isang maling paraan dahil sa nagiging sagabal umano ito kanyang pagligo dahil sa malapit din dito ang kanyang inuupahang hotel.

Kaugnay nito wala namang nagawa ang dayuhang turista matapos na marinig ang mga payo na ibinigay sa kanya ng mga pulis.

Napag-alaman na ang nasabing mga bankang nakadaong sa station 3 ay ang mga ginagamit sa island hopping activity na kung saan ito ang itinalagang lugar ng LGU Malay para sa mga water sports activity sa Boracay.

No comments:

Post a Comment