Pages

Tuesday, December 09, 2014

Mga stranded na pasahero sa Caticlan Jetty Port matatagalan pa

Posted December 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaasahang matatagalan pa ang mga na-stranded na pasahero sa Caticlan Jetty Port papuntang Roxas, Calapan, Mindoro at Batanggas City.

Ito’y dahil sa nagbabadya parin ang sama ng panahon dulot ng bagyong Ruby sa ilang lugar sa Northern Luzon at Mindoro Island.

Ayon naman kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng Caticlan Jetty Port nasa 39 pa ngayong mga pasahero ang nasa kanilang pangangalaga na galing pa sa ilang probinsya sa Region 6.

Ito umano ay mga na stranded simula pa nitong Biyernes matapos na inilabas ng Philippine Coastguard (PCG) ang kalatas na nagsususpinde sa operasyon ng lahat ng mga sasakyang pandagat dulot ng epekto ng bagyong Ruby.

Sinabi pa nito na patuloy naman ang kanilang ginagawang ayuda sa mga nasabing pasahero sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkain hanggang sa muling maibalik ang operasyon ng roro vessel.

Samantala, balik na sa normal ngayon ang operasyon ng mga bangka sa Caticlan at Cagban Vice versa matapos itong itigil ng ilang araw.

No comments:

Post a Comment