Pages

Tuesday, December 09, 2014

Aklan, zero casualty sa pananalasa ng bagyong Ruby

Posted December 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Zero casualty ang probinsya ng Aklan.

Ito ang kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) kaugnay sa pananalasa ng bagyong Ruby sa probinsya.

Ayon kay Grace Lachica ng PDRRMC Aklan, bagama’t idineklara ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa ginanap na Special Session kahapon ng umaga sa State of Calamity ang probinsya.

Iginiit nito na nasa zero casualty ang report ng kanilang ahensya  sa epekto ng bagyong Ruby.

Samantala, nabatid naman sa pinakahuling datus ng PDRRMC na umaabot sa 77, 606 na indibidwal o 18, 552 na pamilya ang inilikas sa pananalasa ng bagyo.

Sa kabila nito, idineklara ang State of Calamity sa Aklan para magamit ang recovery at calamity fund at para ma-kontrol na rin ang presyo ng mga bilihin na hindi tumaas.

Base na rin sa nakasaad sa Republic Act 10121 o Philippine Risk Reduction and Management Act of 2010, magkakaroon ng price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na inilalagay sa state of calamity.

No comments:

Post a Comment