Pages

Tuesday, December 09, 2014

AKELCO, tiniyak na maibabalik sa normal ang suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ruby

Posted December 9, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Tiniyak ngayon ng AKELCO na maibabalik sa normal ang suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ruby.

Sa isang panayam, sinabi ni AKELCO o Aklan Electric Cooperative Assistant for Engineering Engr. Joel Martinez na may ilang lugar sa Aklan katulad ng Libacao ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa epekto ng bagyo.

Lumambot kasi ang lupang kinatatayuan ng mga poste dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Dagdag pa nito, patuloy din umano ang kanilang pagmonitor upang masiguro ang suplay ng kuryente sa lalawigan.

Samantala, nabatid na nag-ikot at nag-inspeksyon din ang AKELCO sa mga gilid ng kalsada upang matiyak na walang posteng masira ng mga punong maaaring tumumba dahil sa lakas ng hangin.

Magugunitang naging pahirapan para sa mga AKELCO at NGCP o National Grid Corporation of the Philippines ang pagbalik sa normal na suplay ng kuryente sa Aklan matapos itong bayuhin ng Bagyong Yolanda nitong nakaraang taon.

No comments:

Post a Comment