Pages

Friday, December 05, 2014

Malay MDRRMC, patuloy na nakatutok sa Bagyong Ruby

Posted December 5, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Patuloy na nakatutok sa Bagyong Ruby ang Malay MDRRMC o Municipal Disaster Risk Reduction Management Council.

Kasama ang Malay PNP, Philippine Coastguard, at iba pa, pinaghahanda na rin ng MDRRMC maging ang mga force multipliers sa isla upang magiging plantsado ang mga posibleng rescue operations.

Samantala, nagpahayag na rin ng kahandaan simula kahapon ang ilang eskwelahan sa Boracay para naman sa posibleng evacuation operations.

Maliban sa pagpupulong bilang paghahanda ng Boracay Action Group kahapon at ng MDRRMC nitong umaga sa bayan ng Malay, nakatakda namang bumalik sa Balabag Command Center ang mga ito para pag-usapan ang iba pang disaster preparedness plan.

Magugunitang nagsagawa rin ng contingency planning workshop ang Malay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa Boracay nitong nakaraang buwan ng Oktubre.

Ayon naman sa naunang report ng PAG-ASA, mas mahina kung ikukumpara sa Bagyong Yolanda ang Bagyong Ruby na may international name na Hagupit.

2 comments:

  1. Habang ang BRTF ay nakatutok sa mga nangangaroling at nagtitinda ng balot. :D

    ReplyDelete
  2. Kudos sa BAG sa napaka laking kontribusyon nyo sa isla ng Boracay. More power and God Bless you all!

    ReplyDelete