Pages

Friday, December 05, 2014

BRTF, binalaan ang mga ilegal na nangangaroling sa Boracay

Posted December 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kailangan talagang dumaan sa tamang proseso at kumuha ng permit.

Ito naging babala ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) hinggil sa mga nangangaroling sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito, marami kasi sa mga establisyemento dito sa isla ang nagrereklamo na dahil sa di umano’y tadtad na ng mga sulat ng ilang mga nangangaroling, kung saan ang iba ay wala namang ipinapakitang permit at hindi taga isla, kung saan nagagalit pa kapag hindi nabibigyan.

Sa kabila nito, nanawagan naman ang BRTF na kaagad na e-report sa kanilang tanggapan ang mga mapagsamantalang grupo na nangangaroling na wala namang kaukulang permit.

Nabatid na marami na rin sa mga establisyemento sa isla ng Boracay ang nadismaya hinggil sa iba’t-ibang mga grupo na humihingi ng handog pamasko.

1 comment:

  1. Sari sari na laang! Pati tradisyong pinoy eh kailangan ng kunan ng permit???? At anong kapangyarihan meron ang BRTF para saklawin pati ang pangangaroling? Maaari namang tumanggi ng maayos ang mga establisyemento sa mga nangangaroling ah. Bakit kaya hindi pagtuunan ng pansin ang dumadaming mga kababayan natinn ang namamalimos sa white beach? Ang tumataas na bilang ng mga krimen sa isla? Ang mga lumalabag na mga establisyemento sa pag tatapon ng basura? Ang mga baha na nararanasan sa D'Talipapa, sa may Pinaungon (tapat ng Residencia), sa Station 3 mainroad (harap ng Isle hotel) at maraming iba pa? Ang mga walang patumanggang pag parking ng mga sasakyang nag bababa ng mga produkto sa harap ng mga tindahan na nagdudulot ng masikip na trapiko? Ang mga tricycle drivers na tumatangging mag sakay ng pasehero kung lalagpas ng station 1 o 3 ang pupuntahan? O kaya ang labis na paniningil nila sa mga turista at dayo? Ang lumalang prostitusyon sa isla?
    Mga kaibigian sa lokal na pamahalaan ng isla ng Boracay... may mas maraming bagay ang dapat na pagtuunan ng pansin at pagbuhusan ng inyong panahon kesa manghuli ng magbabalot, mang sira ng mga sand castles sa baybay, manghuli ng mga nagsisigarilyo. At wag nyong sasabihin na hindi ako taga Boracay...dahil pareho lamang tayong nagbabayad ng buwis at nakikinabang sa isla.

    ReplyDelete