Pages

Thursday, December 04, 2014

Mga hotel sa Boracay nakatanggap ng ilang booking cancelations dahil sa bagyong Ruby

Posted December 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Dahil sa takot na maabutan ng sama ng panahon ang bakasyon sa Boracay ilang mga hotel sa isla ngayon ang nakatanggap ng booking cancelations dahil sa bagyong Ruby.

Bagamat inaasahang tatama sa ilang lugar sa Western Visayas ang naturang bagyo, isa ito sa naging dahilan kung bakit nagkansila ang mga ito.

Photo by ReutersNabatid na may mga hotel at resort na ngayon sa isla ang nakakatanggap ng mga tawag mula sa mga nagpa-booking sa kanila ng pansamantalang kanselasyon ng hotel bookings para sa araw ng Biyernes hanggang Linggo.

Sa kabilang banda, nananatili parin ang pagdating ng mga turista ngayong araw sa Boracay kung saan nakakaranas pa ngayon ng magandang panahon ang isla sa kabila ng unti-unting nararanasang sama ng panahon sa Eastern Visayas.

Kaugnay nito nakahanda naman ang Local Government Unit ng Malay sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa posibleng maranasang sama ng panahon sa probinsya ng Aklan.

Samantala, pinayuhan naman ngayon ng LGU Malay ang lahat ng mamamayan na maging handa sa anumang oras na manalasa ang inaasahang isa sa pinakamalakas na bagyo ngayon taon.

No comments:

Post a Comment