Pages

Wednesday, December 17, 2014

BFI at Philippine Coastguard, nagpulong kaugnay sa problema sa mooring area sa Boracay

Posted December 17, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Para sa susunod na henerasyon.

Ito ang naging buod ng pagpupulong kanina ng BFI o Boracay Foundation Incorporated at Philippine Coastguard kaugnay sa problema sa mooring area sa Boracay.

Muli na naman kasing nagpaalala ang BFI sa mga nagmamay-ari ng bangka sa isla na sumunod sa ipinapatupad na ordinansa upang mapangalagaan ang mga marine protected areas.

Particular na tinutukoy dito ng BFI ang pangangalaga sa mga korales lalo na sa lugar kung saan ang coral restoration project ng BBMP o Boracay Beach Management Program.

Bagama’t hindi na pinangalanan, nabatid na may isang boat operator sa isla kanina ang kasama sa pagpupulong na pinaalalahanan ng BFI at Coastguard.

Nabatid na may mga boat operators parin sa isla ang nagiging pasaway at idinadaong ang kanilang bangka sa hindi dapat sa kabila ng ipinapatupad na ordinansa.

No comments:

Post a Comment