Pages

Wednesday, December 17, 2014

MTO, magpapakalat ng tauhan sa Boracay para mas masiguro ang kaayusan ng trapiko ngayong Pasko

Posted December 17, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Para mas masiguro ang kaayusan ng tapiko sa isla ng Boracay ngayong Pasko.

Magpapakalat ng mga opisyal ang Municipal Transportation Office (MTO) Malay, kung saan mahigpit na babantayan ang mga sasakyan na lumalabas at pumapasok sa isla.

Ayon kay Transportation Officer Cezar Oczon, maliban dito ay inaasikaso na rin umano ng nasabing tanggapan ang mga bagong signages na ilalagay bilang paghahanda na rin hindi lamang sa pasko kundi sa paparating Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Samantala, asahan din umano ani Oczon ang kanilang pagbibigay ayuda sa mga mamamayang bibiyahe sa isla katuwang ang kapulisan at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Kabilang naman sa kanilang pagtutuunan ng pansin ang pagbibigay payo sa mga motorista at biyahero partikular na ang hinggil sa overloading at iba pang sitwasyon na maaring magdudulot ng peligro sa buhay ng mga naglalakbay.

Payo pa ni Oczon sa mga motorista, iwasan ang pagmamaneho ng lasing at pagkarga ng lampas sa kapasidad ng sasakyan upang maiwasan ang disgrasya.

Hindi rin umano ito mag-aatubiling ipahuhuli ang mga motorista kapag lumabag sa batas trapiko.

No comments:

Post a Comment