Pages

Wednesday, December 17, 2014

E-trike supplier na BEMAC nais mag-operate sa isla ng Boracay

Posted December 17, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nais ngayong mag-operate ng E-Trike Supplier na BEMAC sa isla ng Boracay.

Sa ginanap na 39th Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon, ipinaabot ng BEMAC sa pangunguna ni Christian Arvin Tolentino ang kanilang hangaring makapag-operate sa isla.

Nabatid na maglalagay sila sa Boracay ng dalawang unit na E-trike ngayong darating na Enero 2015 para sa tinatawag na testing.

Kaugnay nito hiniling naman ng mga konseho na bago nila pasukin ang operasyon sa Boracay ay kinakailangan muna nilang sundin ang lahat ng mga requirements at standard ng nasabing sasakyan.

Sa ngayon dalawang kumpanya palang ng e-trike ang nag-ooperate sa Boracay kung saan ito ay ang kumpanya ng Gerwise motors at Tojo motors.

Matatandaang ilang kumpanya na rin ng E-Trikes ang lumapit sa LGU Malay na nagnanais pasukin ang operasyon sa isla ngunit ito ay nasa pag-aaral pa at ang iba naman ay hindi nakapasa sa standard ng SB Malay.

No comments:

Post a Comment