Pages

Wednesday, December 10, 2014

BTAC, 3 ang tinitingnang motibo sa pagkakabaril ng Korean national sa Boracay; cartographic sketch ng suspek, inihahanda na

Posted December 10, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tatlo ang tinitingnang motibo ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) hinggil sa pagkakabaril ng Korean national sa Boracay nitong nakaraang Nobyembre 26.

Ayon kay PO1 Alan Zamora, imbestigador ng nasabing kaso.

Hindi muna nila masasabi ang motibo sa ngayon at inaantay na lamang di umano nila na maka-rekober ng maayos ang biktima upang ma-ihanda na ang cartographic sketch ng suspek.

Gayunpaman, anya may nauna na rin silang cartographic sketch ng suspek base sa pagkakalarawan ng isa sa mga nakasaksi sa krimen.

Napag-alaman na patuloy pa rin sa ngayong nagpapagaling ang biktimang koreano sa bayan ng Kalibo matapos magtamo ng sugat sa kilikili.

Samantala, magugunita naman sa inisyal na imbestigasyon ng Boracay PNP na naglalakad pauwi galing sa isang restaurant ang Koreanong si Jin Woo Lee, 39 anyos, manager ng isang Spa nang sundan di umano ito ng dalawang hindi nakilalang pinoy at binaril.

No comments:

Post a Comment