Pages

Wednesday, November 05, 2014

SB Malay, binusising mabuti ang kumpanya na nagnanais maging suplay ng kuryente ang basura sa Boracay

Posted November 5, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi naging madali sa Sangguniang Bayan ng Malay na pumayag agad sa proyekto ng isang kumpanya na nagnanais maging suplay ng kuryente ang basura sa Boracay.

Ito’y dahil sa kailangan pa umano itong dumaan sa feasibility study kahit na naipakita na sa kanila ng kumpanyang Orion Enterprise International LLG-USA ang teknolohiyang gagamitin para sa nasabing proyekto.

Nabatid na sa isinagawang SB Session ng Malay kahapon ay nagkaroon ng pagkakataon ang nasabing kumpanya na maipakita sa konseho ang kanilang proyekto at kung paano ito pinapatakbo sa bansang Vietnam.

Bagamat nagustuhan naman ng konseho ang naging presentasyon ng Orion, ngunit nagulat ang mga ito na kailangan pa pala ng 20 toneladang basura sa bawat pagtunaw bago maging suplay ng kuryente.

Napag-alaman na nasa loob ng isang araw ay hindi naman umaabot sa 20 tonelada ang basura sa isla ng Boracay, kung kaya’t sinabi ni El-Elyon-Orion Global Renewable Energy Resource Development Corp. President at CEO Niel Agustin na maaaring humingi ng basura sa kalapit na bayan para dito.

Ngunit tila hindi parin ito pabor sa SB kung saan ang nais nila ngayon ay dumaan muna ito sa feasibility study bago nila paboran ang hiling ng nasabing kumpanya katulad ng lupang patatayuan nito at lalo na ang perang gagamitin dito na ayon sa Orion ay sila ang sasagot.

No comments:

Post a Comment