Pages

Thursday, November 06, 2014

Road Setback Clearing Operation ng MPDO sa Boracay, nagpapatuloy

Posted November 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nagpapatuloy parin sa ngayon ang road setback clearing operation ng MPDO o Municipal Planning and Development Office.

Kaugnay ito sa Municipal Ordinance No. 2000-131 na sinumulang ipatupad sa Barangay Manoc-manoc nitong nakaraang Martes.

Ayon sa MPDO, nasa mahigit 300 na ang mga establisemyento doon ang nabigyan ng notice of violation.

Nakasaad naman sa notice of violation na may sampung araw pa ang mga establisemyento upang boluntaryong tanggalin ang kanilang mga istrakturang lumabag sa ordinansa.

Ipapatanggal din umano ito ng munisipyo sakaling walang mangyayaring voluntary compliance, nguni’t ang mga nasabing establisemyento ang magbabayad sa magagastos ng pagpapademolish.

Sa kabilang banda, sinabi ni MPDO/Zoning Administrator Alma Beleherdo sa kanyang text message sa himpilang ito na nais niyang magpaabot ng pasasalamat sa mga positibong tumugon sa kanilang ipinapatupad na ordinansa.

No comments:

Post a Comment