Posted November 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala sa kanyang tamang katinuan at pag-iisip ang isang
Korean National na natagpuan na palakad-lakad sa mainroad ng Brgy. Balabag
Boracay kaninang madaling araw.
Sa blotter report ng Boracay PNP, kinilala ang Koryanang
si Lee Gyeong Mi, nasa legal age at residente ng Kumyung Billa, Minrak,
Sooyoung, Busan South Korea.
Nabatid na isang concerned citizen ang lumapit sa
kapulisan para ituro na merong babaeng Korean National na wala sa wastong
pag-iisip na nakatayo sa harap ng isang supermarket sa Balabag.
Nang tanungin ng mga pulis ang pagkakakilanlan nito ay
hindi ito sumasagot at tila balisa sa sarili kung kayat nag-desisyon ang mga
ito na dalhin nalang ANG kOREAsa kanilang tanggapan para sa kanyang seguridad.
Dito rin nadiskobre ng mga pulis na mayroon itong mga
pasa sa ibat-ibang katawan at ang mga natuyong dugo dahilan para agad na isugod
sa pinakamalapit na pagmutan.
Napag-alaman na ito ay pansamantalang nanunuluyan sa
isang resort sa Sitio. Bolabag, Brgy. Balabag base na rin sa kumpirmasyon ng
may-ari ng resort.
Sa ngayon pansamantala muna itong nasa pangangalaga ng
kanyang tinutuluyan hanggang sa bumalik ang maaayos na kondisyon nito kasabay
ng patuloy na embistigasyon ng mga pulis sa pinagmulan ng kanyang mga pasa sa
katawan.
No comments:
Post a Comment