Pages

Monday, November 03, 2014

Committee hearing kaugnay sa operasyon ng Tourguide sa Boracay sasailalim ngayong araw

Posted November 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sasailalim ngayong araw sa committee hearing ang municipal ordinance No. 313 series of 2012 para sa operasyon ng local and foreign tourguide sa isla ng Boracay.

Ito ang napagkasunduan ng Sangguniang Bayan (SB) Malay matapos itong talakayin sa committee report na pinangunahan ni SB Member Rowen Aguirre.

Base sa nakapaloob sa committee report ni Aguirre magkakaroon ng ordinance setting guidelines para ma-regulate ang operasyon ng local at foreign tourguides kasama na ang mga coordinators at tourist escorts sa munisipalidad ng Malay.

Kasama naman sa mga iimbitahan sa nasabing hearing ay ang Tourguide Association, Presidente ng Korean, Taiwanese at Chinese Tourguide kabilang na ang municipal tourism office.

Nabatid na ang Committee hearing na ito ay iminungkahi ni ABC President Abruam Sualog para mapag-usapan ang lahat ng problema ng mga tourguide sa Boracay.

No comments:

Post a Comment