Pages

Tuesday, November 25, 2014

Mga turistang nag-iiwan ng mga gamit sa dalampasigan ng Boracay pinaalalahaan ng BTAC

Posted November 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Nagbabala ngayon ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa mga turistang nag-iiwan ng kanilang mga gamit sa dalampasigan sa tuwing sila’y naliligo sa dagat.

Ito’y dahil sa madalas na pagkakaroon ng nakawan sa beach front ng Boracay kung saan kadalasang nabibiktima ay ang mga turistang naglalagay ng kanilang mamahaling gamit sa white sand.

Nabatid na halos araw-araw may natatanggap na report ang Boracay PNP hinggil sa mga nawawalang gamit kung saan kadalasan dito ay cellphone, cash at ilang pang mahahalagang bagay.

Isa naman sa tinitingnang rason ng BTAC ay tila hindi aware o walang kamalay-malay ang mga bisita na mag-iwan ng kanilang mga gamit sa dalampasigan na may mga taong may maiitim na balak at naghahanap ng tiyansa na makapagnakaw.

Samantala, dahil sa unti-unting pagdagsa ng maraming bisita sa Boracay, inalerto naman ngayon ni PSInspictor Mark Evan Salvo ang kanilang police personnel na magbantay sa mga lugar na kadalasang may nangyayaring nakawan.

No comments:

Post a Comment