Pages

Tuesday, November 25, 2014

Pag fast track sa Phase 1 ng Boracay hospital tatapusin na sa April 2015

Posted November 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Natanggap na ng Sangguniang Bayan ng Malay ang tugon ng Department of Health (DOH) Region 6 kaugnay sa pag-fast track ng Boracay hospital expansion project.

Ayon kay Malay SB Secretary Concordia Alcantara, nagpadala na sa kanila ng sulat ang DOH Region 6 para sa pag-fast track ng nasabing proyekto kung saan nakasaad umano dito na kailangang matapos ang renovation ng phase 1 sa tatlong ginagawang palapag na pagamutan sa Abril 2015 bago ganapin ang Asia Pacific Economic Conference (APEC) Summit sa Boracay sa May 2015.

Napag-alaman na ilang linggo na ring ipinatigil ang ginagawang construction sa hospital dahil sa ilang problema.

Sinabi pa ni Alcantara na posibleng mapalitan ang kontraktor na nakatalaga dito dahil sa ilang kontrobersya.

Matatandaang iniakda ni Aguirre ang resolusyon ng fast track nito dahil sa pagkabahala sa mga pasyente sa Boracay na hindi kayang magpagamot sa mga pribadong klinika sa isla kasama na ang paghahanda para sa nalalapit na APEC.

Inaasahang may malaking pagbabago sakaling matapos ang ginagawang construction ng Boracay Hospital dahil sa pagdagdag ng mga pasilidad upang lalong makatulong sa mga pasyente sa Boracay kasama na ang pagdagdag ng health personnel.

No comments:

Post a Comment