Pages

Monday, November 24, 2014

MBC Stations, nanguna sa KBP Accreditation Exam sa Aklan

Posted November 24, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Lisensyado na kaming mga broadcasters."

Ito ang buong pusong pagmamalaki ng ilang mga media practitioner sa probinsya ng Aklan matapos na makapasa sa KBP Accreditation Exam nitong Oktubre 18.

Kaugnay nito,  nanguna sa nasabing pagsusulit ang mga estasyon ng Manila Broadcasting Company (MBC) na kinabibilangan ng DYYR-YES FM, DYEY-Easy Rock at DYSM-Love Radio, kung saan nakuha ang una hanggang sa ikatlong pwesto.

Sinundan rin ito ng nasa 14 pang mga mamamahayag ng MBC na nanguna rin ang mga pangalan sa nasabing pagsusulit.

Samantala, nabatid na nasa 48 na mga mamamahayag ang kumuha ng exam at 31 rito ang nakapasa.

Layunin naman ng Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas (KBP) accreditation examination na masigurong may sapat na kaalaman sa broadcast standards ang bawat personalidad na madalas naririnig sa radyo.

Maliban dito, kailangan ding pumasa sa management evaluation ng kinabibilingang himpilan ng radyo ang mamamahayag, upang makapasa sa akreditasyon.

Nabatid na nakasaad sa Article 30 ng 2007 Revised Broadcast Code of the Philippines na kinakailangang kumuha ng accreditation exam ang mga brodkaster kabilang na ang mga blocktimer lalung- lalo na kapag sila ay regular na naririnig o may programa sa mga radio station na kasapi ng KBP.

No comments:

Post a Comment