Posted November 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Mahigit pitong daan ang pasahero ng MS Superstar Aquarius
na darating sa isla ng Boracay sa November 6, araw ng Huwebes.
Base sa record ng DOT-Boracay Sub-Office, 769 ang
kabuuang pasahero ng barko na pinangungunahan ng Hong Kong.
Lulan din ng MS Super Star Aquarius ang 1,051 na crew na
may 657 Non-Philippine Crew at 394 Philippine Crew.
Kinumpirma naman ni Jetty Port Administrator Niven
Maquirang na pangatlong beses nang pabalik-balik ang nasabing barko sa isla ng
Boracay.
Samantala, muli ring pinaghandaan ng mga taga Philippine
Coastguard, Maritime Police, DOT-Boracay at iba pang ahensya ang pagdating ng
barko sa isla na unang dumating sa Hong Kong kahapon, November 4-5 sa Manila,
at November 6 naman sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment