Posted November 4, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
May malaking tulong sa lahat ng bayan sa Aklan ang
isinagawang Health Policy Forum ng Department Of Health sa Malay nitong
nakaraang linggo.
Ito ay dahil sa naipaabot sa mga Akalde sa probinsya na
dumalo sa Forum kung ano ang kakulangan ng kanilang bayan pagdating sa
kalusugan at sa mga panganganak.
Nabatid na karamihan sa mga bayan sa Aklan ay may mga Ina
parin na nagsisilang ng kanilang mga anak sa kanilang mga tahanan.
Isa sa nakikitang dahilan dito ng DOH lalo na sa mga malalayong
lugar ay dahil sa kakulangan ng pasilidad ng Health Center Unit at Midwife o di
kaya ay sa kahirapan na marating ang mismong bayan o pagamutan kung saan sila
dapat manganak.
Base naman sa tala ng DOH na nakuha sa Aklan Provincial
Health Office ang bayan ng Kalibo ang nangunguna pagdating sa wastong
pagsasaayos ng kalusugan at sa pangangak.
Bagamat taon-taon itong itinatala ng DOH, nangako naman
ang mga Alkalde na bibigyan nila ng pansin ang kakulangan ng kanilang bayan
pagdating sa pangangalaga ng kalusugan ng kanilang mamamayan.
Malaki naman ang naging papasalamat ng mga dumalong Mayor
sa Forum dahil nalaman nila kung saan at kung ano ang dapat nilang gawin para
sa kapakan ng kalusugan ng bawat tao.
Samantala, ang nasabing Health Policy Forum ay bahagi ng
Kalusugan Pangkalahatan (KP) Roadshow ng DOH sa bayan ng Malay nitong Oktobre
30, 2014.
No comments:
Post a Comment