Posted November 4, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ninakaw umano kasi ang tangke ng kanilang motorsiklong
Motoposh Pinoy 125 sa mismong bakuran ng kanilang bahay sa Sitio Bantud,
Barangay Manoc-manoc, Boracay, bagay na ipina-blotter nito sa Boracay PNP
Station.
Ayon pa kay Aleng Maricar, maaaring kaninang madaling
araw lang ninakaw ang kanilang motorsiklo at dinala sa isang compound sa kabilang
kalye.
Doon din umano kinalas ang tangke nito at iniwan ang katawan.
Dismayado naman ang mga pulis at si Aleng Maricar dahil
wala man lang ni isang residente sa lugar ang nakapansing may nagdala doon sa
nasabing motorsiklo.
Samantala, nabatid mula sa Boracay PNP na may ilang kaso
na rin ng pagnanakaw ng motorsiklo ang naitala nitong mga nakaraang buwan.
No comments:
Post a Comment