Pages

Tuesday, October 21, 2014

Opening ng Batang Pinoy Olympics sa Aklan, inaabangan na ngayong hapon

Posted October 21, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaabangan na ang opening ng Batang Pinoy Olympics 2014 na gaganapin sa Calangcang Sports Complex sa bayan ng Makato mamayang alas-3 ng hapon.

Tampok dito ang mga kabataan na maglalaban-laban mula sa elementarya at sekondarya na galing pa sa ibat-ibang paaralan sa Visayas region.

Inaasahang dadaluhan naman ito ng mga pulitiko mula sa Visayas at mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC).

Malaki ring karangalan sa probinsya ng Aklan na mag host ng malaking event ngayong taon para maipakita ang kahandaan at kagandahan ng probinsya.

Samantala, maglalaro naman ang mga kabataan sa ibat-ibang bayan sa Aklan na kinabibilangan ng Tangalan, Makato, Numancia, Lezo, Malinao, Banga at Kalibo hanggang sa araw ng  Biyernes.

Nabatid na ang PSC ay nakipagtulungan sa POC at Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Education (DepEd) para piliin ang probinsya ng Aklan na maging lugar para sa apat na araw na sports competitions na dadaluhan ng mga manlalaro at atleta mula sa Visayas.

No comments:

Post a Comment