Pages

Tuesday, October 21, 2014

Kalibo International Airport, humingi ng pang-unawa sa nararanasang pagsikip ng paliparan

Posted October 21, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Humingi ngayon ng pang-unawa sa nararanasang pagsikip ng paliparan ang KIA o Kalibo International Airport.

Ayon kay KIA Manager Cynthia Aspera, kasalukuyan pang ginagawa ang pagpapalawak ng airport kung kaya’t pansamantala munang pinagsama ang international at domestic arrival sa old terminal ng paliparan.

Maliban dito, wala narin umano talagang lugar pa sa lahat ng mga papasok sa airport, lalo pa’t nakadesinyo lamang ito para sa tatlong flights.  

Ayon pa kay Aspera, target din namang matapos sa nalalapit na buwan ng Disyembre ang ginagawang terminal kung kaya’t umapela ito ng pang-unawa sa mga pasahero lalo na sa PCCI o Philippine Chamber of Commerce and Industry-Boracay.

Nabatid na nagpadala ng sulat kay DOTC o Department of Transportation and Communications Secretary “Jun” Abaya ang PCCI dahil sa kanilang pagkadismaya sa serbisyo ng Kalibo Airport.

Samantala, tiniyak naman ni Aspera na luluwag na ang airport terminal kapag natapos na ang ginagwang expansion doon.

No comments:

Post a Comment