Pages

Tuesday, October 21, 2014

DOTC Sec. Abaya, sinulatan ng PCCI-Boracay dahil sa masikip na Kalibo International Airport

Posted October 21, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Poor documentation hampers DOTC search for P65-M 'missing' computersNababahala ngayon ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Boracay sa sitwasyon ng Kalibo International Airport (KIA).

Hindi na umano kasi kayang suportahan ng nasabing paliparan ang pagdagsa ng mga turista, mga business travelers at residente, bagay na sinulatan na nila mismo si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio “Jun” Abaya.

Sa kopyang ipinadala ng PCCI sa himpilang ito, iginiit ng grupo na kulang ang pasilidad ng airport dahil wala nang maupuan ang mga international at domestic passengers doon.

Tila mas nabibigyan pa umano kasi ng prayoridad ang space o lugar para mga kompanya sa aiport sa halip na maging dagdag na espasyo pa sana sa mga pasahero.

Maliban dito, kulang din umano ang seguridad sa airport, at hindi nare-regulate ang mga transport group doon.

Kaugnay nito, umaasa naman ang PCCI na mabigyan ng agarang aksyon ng DOTC ang problema lalo pa’t nalalapit na ang 2015 APEC Hosting ng Boracay.

No comments:

Post a Comment